Makikita sa bayan ng San Juan ang Capilay Spring Park, isang batis na may swimming pool at iba pang libangan. May paikot na puting buhangin na dalampasigan na umaabot sa 102 kilometro sa palibot ng isla. Matatagpuan sa mga dagat ang magagandang coral, at ibang likas na yamang matatagpuan sa tubig na ideyal para sa mga gustong sumisid. Matatanaw sa kanlurang bahagi ng isla ang napakagandang tanawin ng paglubog ng araw sa rehiyon. Nandito rin sa isla ang Talon ng Lazi at Larena.
Matatagpuan din sa Siquijor ang lumang bahay ng Cang-isok, ang kampanilya ni San Fransisco ng Asisi na itinayo noong 1870 at ang simbahan at kumbento ng San Isidro Labrador na itinayo noong 1891, tinuturing na pinakaluma at pinakamalaki sa Asya.
CAPILAY SPRING PARK
MGA BAYBAYIN NG SIQUIJOR
CAMBUGAHAY FALLS (LAZI FALLS)
CANGBANGAG FALLS (LARENA FALLS)
BAHAY NG CANG-ISOK
KAMPANILYA NI ST FRANCIS OF ASSISI
KUMBENTO NG LAZI
SIMBAHAN NG LAZI